‘Good swimmer’ si Jesse – Pamilya

NAGBI-VIGIL ang pamilya at mga kaibigan sa bahay ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa Barangay Dayangdang, Naga City.

Umaasa at nagdarasal ang mga kapamilya at mga kaibigan na nakaligtas ito sa pagbagsak ng eroplano dahil ito ay marunong at mahusay lumangoy.

Si Robredo at 2 piloto ng Piper Seneca na bumagsak sa  karagatan ng Masbate nitong nakaraang Sabado ay hindi pa rin natatagpuan.

Sa harapan ng bahay ni Robredo ay nakalagay ang imahe ng Nuestra Señora de Peñafrancia, na ang tawag ng mga Bicolano ay “Ina.” Katatapos lamang ng mga estudyante at titser ng Nueva Caceres University ng kanilang prayer vigil kaninang umaga.

Base sa kuwento ng kanyang aide, bago ang insidente ay nakapag-text pa si Robredo sa kanyang pamilya sa Naga at sinabing babalik sila ng Cebu dahil nagloloko ang makina ng kanilang eroplano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply