Gov. ER suportado ang mga bading!

KAMAKAILAN lang ay inililunsad ni Laguna Governor Jeorge “ER” Ejercito Estregan ang kauna-unahang beauty pageant ng mga kapatid nating nabibilang sa third sex at ito nga ay ang 2012 Ms. Gay Laguna sa lingguhang Peoples Day niya na ginaganap sa Cultural center sa Kapitolyo ng Laguna.

Naniniwala kasi ang butihing gobernador na malaki rin ang maitutulong ng gay community sa pag-unlad ng pamayanan ng Laguna kung ating bibigyan ng pansin ang kanilang kakayahan at susuportahan

Labis naman ang katuwaan ng gay community sa pagkilala ng ama ng kanilang lalawigan dahil ngayon lamang nila nadama ang kalinga at pagbibigay sa kanila ng importansya.

Bilang ganti naman, ang Ladlad Partylist ng Laguna, isang makasaysayang panunumpa ng katapatan at pagsuporta sa mga makabuluhang programa ng butihing Gov. ER, at ito ay ginanap sa Cultural Center ng Pamahalaang Panlalawigan.

Tulad ng makikita sa larawan, nanumpa ang E.R. Gay Alliance ng Laguna na pinangunahan ni Ladlad Partylist President Isagani Magtibay at kinabibilangan ng Sta. Rosa Gay Association, Cabuyao Gay Association, Calauan Gay Association at Nagcarlan Gay Association.

Ikinatuwa naman ni Governor E.R. ang pagsuporta ng Gay Alliance sa kanyang mga programa dahil iyon naman talaga ang kanyang adhikain ang magsasama at tulung-tulong para sa ikauunlad at ikagaganda ng kanilang mahal na Lalawigan ng Laguna.

Magkakaroon pre-pageant ang Ms. Gay Laguna 2012 ngayong Agosto 23 sa U.P Los Banos.

***

MAKIKITA mo tuwing may mga kalamidad na tayong mga Filipino, mahirap man o mayaman, ay nagsasama-sama para makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta tulad nitong nakaraang linggo kung saan maraming lugar sa ating bansa, partikular rito sa Luzon, ang lumubog sa baha.

Sa panig naman ng mga taga industriya ng lokal na aliwan, marami sa ating mga artista ang nagbigay ng tulong sa mga nabiktima ng baha at isa na rito sina Boy Abunda at Bong Quintana na namahagi ng relief goods sa mga binaha sa Greater West Fairview na noon ay kaarawan ng better half ni Kuya Boy na si Bong.

‘Andyan rin ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel kung saan ang kanilang tahanan sa Fairview ay nagmistulang relief center at sila mismo ang namimili at nagre-repack ng mga ipamimigay nilang relief goods sa kanilang mga kapitbahay at maging sa mga lugar kung saan maraming kababayan natin ang nangangailangan ng tulong.

Alam namin ang nararamdaman ng mga kababayan nating nalubog sa tubig baha dahil kami man ay isa na rito. Nalubog lang naman ang aming bahay sa Brgy. Rivera sa Lungsod ng San Juan at umabot talaga sa ikalawang pala- pag ng aming bahay.

Masakit makitang inaanod ang iyong mga ipinundar na kagamitan nguni’t wala kang magawa dahil baka buhay naman namin ang maging kapalit kung tatangkain naming isalba ang mga ito.

Madaling sabihin na okey lang mawala o masira ang iyong mga gamit kung ikaw ay may kapasidad na bumili uli ng bago. Pero paano naman ang mga taong kailangang mag ipon muna para lang mapalitan ang kanilang mga nawala o nasirang gamit? Taon ang bibilangin bago ka makapagpundar muli tulad ng nangyari sa amin noong Bagyong Ondoy.

Kami’y napabuntong hininga na lamang nang makita namin na isang mono block chair lang ang naiwan sa amin at ni paglulutuan ng aming kakainin ay wala na rin dahil nga sa kasama itong inanod ng baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply