Gov. Lanete, utak sardinas at kotong sa post office

NAUNA na nating napag-usapan, parekoy, na basta “tagbaha, tag-epal.”

Sila ‘yung mga politikong akala mo ay concerned sa mga biktima, pero ang totoo ay umeepal lang ang mga hinayupak upang sa susunod na halalan ay hindi sila makalimutan ng mga botante.

Mga buwisit sila, parekoy, ginagamit pa ang sakuna at dalamhati ng ibang tao para lang sila maka-epal!

Nauna na nating nabanggit sina Joel Villanueva, Mar Roxas, Riza Hontiveros, Sonny Angara at Ruffy Biazon sa mga “epal king.”

Tuwing tumataas ang presyo ng kuryente, tubig, gasolina at mga pangunahing bilihin, lahat sila ay nagtatago dahil ayaw nilang masisi.

Nang tumaas ang baha, nag-uunahan sa pag-epal!

May kauri pa pala sila, dahil sa Masbate, sina Gov. Dayan Lanete at anak nitong si Rep. S. Lanete ay namahagi ng “relief goods” sa mga tao.

Pero litrato ng mag-ina ang nakadikit sa bawat lata.

Bagay na bagay sa kani-lang paboritong kulay na “orange.” Pwe!

Sa unang tingin, parekoy, akala mo ay tunay na label ng sardinas ang nakalagay dahil mukhang “tunay” ito, hehehe.

Nagtaka lamang tayo, pare-koy, kung bakit nagmukhang bilasa na? Nang suriin ko . . . mukha pala ni Gob. Hak, hak!

Walanghiya talaga ang mga “epal”, oo,  pondo ng gobyer-no, nakalaan sa mga tao, kumita na nga ang mga demonyo . . . naka-epal pa! Pwe!!!

Maraming Masbateño tuloy ang napaiiling . . . ipinakita lang umano ni Gov. Lanete ang pagiging utak-sardinas niya!

-o0o-

KUNG gustong patunayan ni Postmaster General Josie dela Cruz na desidido siyang linisin ang mga post office, kumontak lang siya sa atin at bibigyan ko siya ng mga tao na nakahandang tumestigo sa mga kabulastugan sa post office ng Bacoor City, Cavite.

Ang letseng “cashier” ay naniningil ng P350 para sa “postal ID.”

Pero ang inilagay lang sa resibo ay P175.

Kilos na, Ms. Dela Cruz!!!

-o0o-

Tune-in sa DZME-1530Khz sa aking programa,  Alar-ma Kinse Trenta (Lunes-Biyernes) 5-6pm). Para sa inyong mga reaction: 0909-8992775 at 0916 6951891

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply