Grace Lee inamin na maraming natutunan kay PNoy

SINABI ng TV host/DJ na si Grace Lee na marami siyang natutunan kay Pangulong Benigno Aquino III kahit sandali lamang silang nagkasama.

Sa ulat sa radyo, sinabi na todo-tanggi pa rin ang TV host na naging sila ng Pangulo at iginiit na ilang linggo lang silang nag-date.

Inamin rin ng dalaga na ang part ng kanyang buhay na nakasalamuha ang presidente ay ang “very interesting part of her life.”

Break-up

Itinanggi rin ng aktres na kaya nauwi sa wala ang ‘relasyon’ diumano nila ng Pangulo ay dahil sa pagpipilit niya na pakasalan siya nito.

Ayon sa dalaga hindi sa kanya nanggaling ang isyu na iyo kundi sa isa sa kanyang co-host sa isang programa.

Career muna

Sa ngayon pokus muna siya sa kanyang trabaho bilang host.

Magugunitang instant sikat si Lee mula ng maiugnay sa Pangulo.

Ilang endorsement na rin sa TV ang kanyang nilabasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply