Grade 7 pupil kritikal sa grupo

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang Grade 7 pupil matapos saksakin ng isa sa anim na suspek habang ang una ay naglalakad papauwi sa Caloocan City kagabi (Agosto 29).

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center si Jayvan Domingo, 13 ng Phase 7-C, Bagong Silang ng lungsod, sanhi ng tinamong saksak sa likod.

Pinaghahanap naman si alyas Reggie at limang hindi pa kilalang mga kasama nito ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, naglalakad papauwi ang biktima kasama ang mga kaklase na sina Billy at Michael sa Main Road ng Phase 2, Bagong Silang nang sabayan ng mga suspek kung saan isa ang sumaksak sa biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa EAMC ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply