Guided missile destroyer ng US, dumating na sa bansa

DUMATING na sa Manila South Harbor ang isang guided missile destroyer ng Estados Unidos na Guide missile destroyer ng US,  na USS Milius.

Batay sa pahayag  ni Philippine Navy spokesman Col. Omar Tonsay na mananatili sa naturang pantalan ang USS Milius hanggang sa Martes, Agosto 21.

Nilinaw at binigyang diin naman ni Tonsay na hindi ito official visit kaya walang magaganap na interaksyon sa pagitan ng mga sakay nito at ng navy.

Aniya, dumaong lamang ito sa pantalan ng Maynila para sa replenishment activity.

Nilinaw din ni Tonsay na ang missile destroyer ay hindi paghahanda laban sa pananakop ng China sa Panatag (Scarborough) Shoal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply