Gun-for-hire, kumasa sa parak, tigbak

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang miyembro ng hinihinalang gun-for-hire syndicate nang kumasa sa humahabol na pulis sa bayan ng Manaoag, Pangasinan nitong Linggo ng gabi,,Agosto 26.

Sinabi ni Chied Insp. Noel Ezpinoza, hepe ng Manaoag PNP, nagkakasa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa Barangay Inamutan, nang mapadaan doon ang suspect na si Camilo Abecia, residente ng San Vicente Sur, Urdaneta City.

Imbes tumigil, pinaharurot pa ng suspect ang kanyang motorsiklo kaya hinabol ito ng mga pulis.

Sa pagmamadaling makalayo sa mga humahabol, nawalan ito ng kontrol sa sasakyan at sumemplang sa bahagi ng Barangay Lelemaan.

Sa halip na sumuko, bumunot ito ng baril kaya pinaputukan na ng mga humahabol na pulis hanggang sa mapatay.

Dagdag pa Ezpinoza, natuklasan nila na ang ginagamit na motorsiklo ng suspek ay kinarnap sa Urdaneta City Dist. Hospital noong Agosto 24, 2012.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang caliber .38 na baril ng suspek, limang bala ng naturang baril, ginamit nitong motorsiklo at ilang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Inaalam naman kung sangkot din sa carnapping syndicate ang napatay na suspek dahil nalaman ng pulisya na ang taong pakay nitong puntahan sa bayan ng Manaoag ay sangkot din sa iligal na droga at carnapping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply