Gusali ng DepEd Cagayan nasunog: 3 sasakyan nadamay

NASUNOG ang dalawang palapag ng gusali ng division office ng Department of Education (DepEd) sa Cagayan at nadamay din ang tatlong sasakyang nakaparada kaninang madaling araw, Agosto 10

Nabatid na nagsimula ang apoy sa bubungan ng gusali at nadamay ang mga kurtina sa mga bintana nito kung kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero galing sa Tuguegarao City, Solana, Enrile, Iguig, Amulung at Peñablanca makaraang makatanggap ang mga ito ng tawag kay Noli Domingo, guwardiya ng nasabing gusali.

Ngunit bigo namang agad maapula ang apoy na mabilis na kumalat bunsod ng napakaraming papel na nakatambak kung kaya naabo ang hanggang pangalawang palapag ng naturang gusali.

Dagdag pa umano rito na luma na ang nasabing gusali at gawa ito sa kahoy.

Sunog din ang tatlong sasakyan ng ahensya na nakaparada malapit sa tanggapan.

Wala namang nasawi o nasaktan sa nasabing sunog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply