Habagat magpapaulan sa Luzon, bagyong Igme wala na sa PAR

IPINAHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Igme” ngunit patuloy namang magpapaulan ang hanging habagat sa Luzon.

Si “Igme” ay huling namataan sa layong 420 km kanluran ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging 130 kph.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng madalas na maulap na papawirin na may pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang kalakhang Maynila.

Tinatayang maglalaro ang temperatura sa agwat na 25 hanggang 31 antas ng sentigrado.

Samantala nakalabas na ng bansa ang Bagyong Julian na huling namataan ang Bagyong Julian sa layong 850 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Lumakas ang Bagyong Julian habang papalabas ng bansa na may hanging aabot sa 175 kilometers per hour at pagbusong aabot sa 210 kph malapit sa gitna, habang tinatahak ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, wala nang nakataas na public storm warning signal sa bansa.

Samantala, patuloy pa ring makakaranas ng pag-ulan sa Luzon at Western Visayas dahil sa umiiral na Habagat

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply