Habagat na bumayo sa Luzon, wala sa kalingkingan ni Ondoy

KUNG ang pag-uusapan lamang ay ang epic rain o ang matinding ibinuhos na ulan ng Typhoon Ondoy noong 2009, ang walang humpay namang pagulan na dulot ng southwest Monsoon o hanging Habagat sa kabuuan ng Luzon kabilang ang Metro Manila sa loob ng 24-oras ay hindi pa rin sa kalingkingan ng ulan na ibinuhos ng Ondoy, ayon sa ulat ng state weather bureau.

Sa naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na 323.5 millimeters ng ulan sa loob ng nakalipas na 24 oras ay mas mababa pa sa 455 millimeters ng ulan na ibinuhos ng Ondoy sa parehong time period, pahayag ni weather forecaster Samuel Duran.

“Si Ondoy remains a special case. Mas abrupt po ‘yung Ondoy. Iba po ‘yung case niya,” paliwanag ni Duran.

Noong Setyembre 2009, sinalanta ng Ondoy ang Metro Manila at kalapit na probinsya, at nag-iwan ng 464 patay.

Sinabi ng PAGASA na ang malakas at walang humpay na pagbuhos ng ulan sa halos kabuuan ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, ay sanhi ng southwest monsoon na pinalakas ng tropical storm “Haikui” na nasa 300 kilometro ng hilaga-silangan ng Taiwan.

Ang matinding pagbuhos ng ulan ay nagdulot ng neck-deep floods sa ilang parte ng Quezon City kaya napilitan ang mga pamilya na laysan ang kanilang mga kabahayan.

Isa 11 a.m. weather bulletin, nagbabala pa rin ang PAGASA ng “occasional to frequent rains” ng hanggang Miyerkules. Idinagdag naman ng bureau na ang bansa ay inaasahang makararanas ng “gradual improvement” ng panahon sa Huwebes.

“Kung magpapatuloy ang pag-ulan, mag-expect pa rin tayo ng flooding. Tinataas pa rin natin ‘yung code red. Itataas natin para po ‘yung hindi pa po binabahang lugar, mag-ingat pa rin po sila,” pahayag pa ni Duran.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply