Habang nagte-text, kelot binaunan ng bala sa ulo

PATAY ang isang lalaki na abala sa pagte-text nang barilin sa ulo ng isa sa apat na hindi nakikilalang  mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo  sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Quezon City kagabi.

Dead on the spot si Joemarie Banderado, 49, ng Blk. 6 Lot 5, Kilayawan St., Brgy. Commonwealth Quezon City sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang pamamaril pasado alas-10:05 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima sa Purok 14, Kilayawan St. sa nasabing lugar.

Sinasabing abala noon sa pakikipag-text ang biktima nang biglang gumilid sa kanyang tabi ang dalawang motorsiklo sakay ang apat na lalaki na pawang naka-helmet.

Kasunod nito, isa sa mga suspek ang bumunot ng baril bago pinutukan ang walang kamalay-malay na biktima.

Mabilis na tumakas ang apat na suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Nakuha sa lugar ng krimen ang may apat na basyo ng bala mula sa  kalibre .40 baril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply