‘Hagdang Bato’ namulot ng 1.5M sa karerahan

BUONG tapang na ibinanderang tapos ni star jockey Jonathan Basco Hernandez si Hagdang Bato upang hatawin ang PCSO National Granf Derby race kaninang hapon sa Sta. Ana Park Naic, Cavite.

Paglabas ng aparato ay rumagasa na agad si three-legs Triple Crown series champion Hagdang Bato sa unahan at kahit na lumutsa si High Voltage na nirendahan ni class A rider John Alvin Guce ay nanatili ito sa unahan at tapusin ang karera at hablutin ang 1.5M na premyo.

“Sobrang galing ni Hagdang Bato kahit hindi mo hingan ay nagkukusa ito kaya madali niyang tinalo ang mga kalaban.” Pahayag ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the year awardee Hernandez.

Papasok ng far turn ay umigtad na papalayo si Hagdang Bato na pag-aari ni Mandaluyong mayor Benhur Abalos Jr. Upang itala ang impresibong 1:37.8 minuto sa distansyang 1,600 meter race.

Sumegundo kay Hagdang Bato ang kakamping si Barkley na ginabayan ni class A jockey Kelvin Abobo at nakopo rin nito ang P500,000 na premyo.

Naiuwi naman ni Darleb ang P300,000 habang P200,000 ang kinubra ni Purple Ribbong para sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply