Hapon nadukutan ng musmos sa Maynila

DISMAYADO ang isang Japanese national sa kanyang masayang pagbisita at pamamasyal sa Pilipinas matapos itong madukotan ng isang paslit sa Ermita, Maynila.

Dumulog ngayon sa Manila Police District-General Assignment Section ang biktimang si Tadashi Watanabe,47, may-asawa, turista at pansamantalang nanunuluyan sa 303 casa Bacobo Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng J.Bacobo St. Ermita, Maynila.

Sa report ng MPD-GAS, naglalakad umano ang biktima sa kahabaan ng Kalaw St., sa Ermita Maynila nang lapitan siya ng isang batang lalaki na tinatayang nasa edad na 10 taong gulang na namamalimos.

Hindi naman ito pinansin ng biktima at nagpatuloy sa kanyang pamamasyal nang bigla nitong mapansing nawawala na ang kanyang wallet na naglalaman ng walong libong piso (P8,000).

Nagsagawa naman ng follow up operation ang pulisya ngunit hindi na makita sa lugar ang batang suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply