Hardware acceptance test sa mga PCOS machine simula na

ISINASAILALIM na ng Commisssion on Elections (Comelec) sa hardware acceptance test ang mga Precint Count Optical Scan (PCOS) machine para sa 2013 mid-term elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, umaasa sila na matatapos ang kanilang testing sa buwan ng Setyembre upang maisagawa ang configuration sa buwan ng Oktubre o Nobyembre.

Mula  sa 80,000 na mga PCOS machines ay  one-third na ang isinailalim sa testing,ayon pa kay Jimenez.

Bukod dito, abala din ang Comelec sa pagsasala sa mahigit 200 partylist organizations na lalahok sa eleksyon sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply