Hazing victim Marc Andrei Marcos inilibing na

INILIBING na kaninang umaga ang San Beda hazing victim na si Marc Andrei Marcos sa Tarlac.

Bago ito, mula sa bahay ni Marc, ay naglakad lamang ang pamilya nito, kaanak, kaibigan at kaklase na pawang nakasuot ng puting t-shirt na may nakalagay na “Justice for Andrei Marcos” patungo sa St. Therese of the Child Jesus shrine para sa huling misa na pinangunahan ng mga pari na mula sa San Beda College.

Pagdating sa sementeryo, tumulong ang mga barangay officials sa pagbubuhat sa nitso ng law student para muling makita sa huling pagkakataon ang namatay na mahal sa buhay.

Sa huling lamay kagabi, dumating naman ang pamilya ng  hazing victim na si Marvin Reglos para damayan ang mga pamilya ni Marcos.

Buo naman ang pag-asa ng pamilya Reglos at Marcos na hindi mauuwi sa wala ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang sa panawagan nila ang tuluyan nang mahinto ang kultura ng hazing at mapanagot ang mga nasa likod ng marahas na aktibidad na ito.

Sa ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang mga opisyal ng Lex Leonum Fraternitas na sinasabing nasa likod ng sinapit ni Marcos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply