HDO vs GMA nananatili – Palasyo

IWAS-PUSOY ang Malakanyang na patulan ang panawagan ng minorya sa Kamara na payagang makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may umiiral na hold departure order (HDO) laban kay Arroyo kaya hindi pa ito maaaring makapag-abroad.

Matatandaang inirekomenda ni Dr. Roberto Anastacio ng Makati Medical Center na kailangan ng isang neuro-cervical doctor para tumingin kay Arroyo at mayroong ganitong doktor sa New York.

Aniya, bahala na ang Sandiganbayan kung pagbibigyan ang hirit ng dating Pangulo na mabawi ang HDO.

Isinugod kamakailan sa Makati Medical Center si Arroyo matapos lumihis ang titanium plate na nakakabit sa kanyang spinal column.

“Bahala na po ang Sandiganbayan magdesisyon kung sakaling gumawa ng ganitong hakbang ang mga abugado ni CGMA dahil merong hold departure order laban sa kanya,” ayon kay Usec Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply