Health teams ng DOH, patuloy ang monitoring sa mga evacuation centers

PUSPUSAN ang ginagawang pag-iikot ng health teams mula sa Department of Health (DOH) sa mga evacuation center at mga binahang lugar dahil sa hagupit ng habagat.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na nagsasagawa ng konsultasyon at nagbibigay ng libreng gamot ang kanilang health teams sa mga residenteng naapektuhan nang pagbaha.

Tiniyak ni Tayag na sapat pa ang supply ng gamot bagamat ang problema lamang  ay tumatanggi ang mga residente na magpatingin sa doktor kahit may nararamdaman na

Pinayuha pa ni Tayag ang mga residente na laging maglinis  upang hindi pamahayan ng lamok ang kanilang kapaligiran.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply