‘Heavy Bombers kakapitan ang Red Lions’

WALANG hirap na nakuha ng defending champion San Beda College Red Lions ang solo liderato habang naghihimutok sa panghihinayang ang San Sebastian College Stags matapos silang masilat sa unang laro sa second round ng 88th season NCAA men’s basketball tournament.

Nilunok ng Red Lions ang Kulelat sa team standings na Lyceum of the Philippines Pirates, 77-47 habang ang Stags ay nilugmok ng mahinang Emilio Aguinaldo College Generals, 77-67 kahapon sa San Juan Arena.

Bukas ng alas 4 ng hapon, may pagkakataon na makasama ng San Beda ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa top spot kung mapapasabog ng huli ang Arellano U Chiefs na gaganapin sa nasabing lugar.

Sagpang ng Red Lions ang 8-2 karta nasa pangalawang puwesto ang Heavy Bombers hawak ang 7-2 panalo-talo baraha habang ang last year’s runner-up na San Sebastian ay nalaglag sa tersero puwesto tangan ang 7-3 card.

May posibilidad naman na masamahan ng Perpetual Help Altas ang Stags sa third spot kung malulusotan nila ang College of Saint Benilde Blazers sa second game na mag-uumpisa ng 6 ng gabi.

Pasan ng Altas ang 6-3 karta habang ang Blazers at Chiefs ay may tig 3-6 record.

Samantala, sa panalo ng SBC sa LPU, namuno sa opensa ng Red Lions si Jake Pascual na tumikada ng 17 points at 16 rebounds kung saan halos ng puntos nito ay nanggaling sa mga assists ni Baser Amer.

Bumira lang ng siyam na markers si Amer subalit humarabas naman ito ng career-high 16 assists para sa Mendiola-based team.

Hindi naman naitakas ni reigning MVP Calvin Abueva ang Stags sa paninilat ng Generals matapos itong mabigyan ng technical foul for misconduct at malasap ang panglimang foul may anim na minuto pa ang nalalabi sa huling canto.

Sa pagkawala ni Abueva na umiskor lang ng siyam ay binuhat mag-isa ni center Ian Sanggalang ang puntos para sa Stags.

Tumapos si Sanggalang ng 24 points habang si Russell Yaya ay sumalpak ng 18 pts. para sa Generals.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply