Heavy Bombers nabigo sa Chiefs

SINALTO ng Arellano U Chiefs ang hangad ng Jose Rizal U Heavy Bombers na sumampa muli sa top spot ng team standings.

Nagtulong sina Rocky Acidre, John Pinto at rookie James Forrester sa opensa upang iganti ang Chiefs sa Heavy Bombers, 85-82 sa second round eliminations ng 88th season NCAA men’s senior basketball tournament sa San Juan Arena, kahapon.

Sa unang paghaharap ng Arellano at JRU ay tinambakan ng huli ang una, 65-77 subalit siniguro ng Chiefs na hindi makakaulit ang Heavy Bombers matapos umarangkada sina Acidre (22 pts.), Pinto (16 pts.) at Forrester (16 pts.).

Umangat sa pang-anim na puwesto ang Chiefs na may 4-6 win-loss slate habang sumalo sa second to fourth spot ang Heavy Bombers tangan ang 7-3 panalo talo karta.

Kasalo ng JRU ang last year’s runner-up San Sebastian College Stags at Perpetual Help Altas na nagwagi kontra College of Saint Benilde Blazers, 78-74.

Kontrolado ng Chiefs ang laban matapos ang third canto, 62-51 subalit naitabla ito ng Heavy Bombers, 75-75 matapos magpasabog ng 10-0 run.

Hindi naman nagpasindak ang 23-anyos na si Acidre dahil pumukol ito ng tres at isang mabalasik na salaksak ni Forrester ang nag-angat muli sa Chiefs 80-75.

Muling nanindak ang JRU nang ilapit ang score sa 83-82 sa isang four-point play ni Byron Villarias may 15.4 segundo na lang ang nalalabing oras subalit umentra na naman si Acidre upang isalpak ang dalawang panelyong freethrows.

Samantala, si Jet Vidal ang naging bida sa pagkakapanalo ng Altas matapos kumamada ng 21 puntos.

Nagsosolo sa top spot ang defending champion San Beda College Red Lions bitbit ang 8-2 card.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply