‘Helen’ napanatili ang lakas; ulan asahan ngayong gabi

NAPANATILI ng bagyong Helen ang lakas ng hangin nito na 65 kilometers per hour (kph) na may pagbugsong umaabot sa 80 kph.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan ang bahagyang malakas na buhos ng ulan ngayong gabi sa Quezon, Camarines provinces Rizal, Bulacan, Pampanga, Laguna, Cavite, Batangas, Mindoro, Bataan, Zambales at kasama ang National Capital Region.

Batay sa satellite and surface data ng PAGASA, huling namataan si Helen  sa layong 430 kilometro sa Silangan ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ito sa direksyong pa-Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 13 kph.

Sa pagtaya ng PAGASA, hindi tatama sa kalupaan si Helen ngunit patuloy itong lalakas habang patawid sa Calayan-Babuyan-Batanes Group of Island.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal No. 1 sa mga sumusunod na lalawigan:
– Quirino
– Aurora
– Isabela
– Kalinga
– Apayao
– Cagayan, kasama na ang Babuyan, Calayan at Batanes groups of Islands.

Ayon pa sa PAGASA kung hindi magbabago ng direksyon ang bagyong Helen, inaasahang makalalabas ito sa teritoryo ng Pilipinas sa Huwebes.

Dahil sa pinapaigting ng bagyong Helen ang Habagat, asahan din na tatagal pa hanggang sa Biyernes ang nararanasang mga pag-ulan sa Northern at Central Luzon, pati na sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply