Hepe ng MMDA flood control sinibak

SINIBAK sa tungkulin ang hepe ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office matapos hindi gumana ang mga pumping stations ng MMDA sa lungsod ng Taguig City dahil sa kawalan ng krudo na magpapaandar sa mga ito.

Pinalitan ni MMDA Chairman Francis Tolentino si Baltazar Melgar at inilagay sa floating status.

Papalitan siya ni engineer Maxima Quiambao, hepe ng FCSMO Operations and Maintenance of Draianage, Floodways and Waterways, dahil sa paglala ng baha sa bahagi ng Taguig City noong Miyerkules dahil sa hindi nagamit ang mga pumping stations doon.

Ayon kay Tolentino, hindi umorder ng krudo si Melgar para sa mga pumping stations kahit na may nilagdaan na purchase order para dito. Umorder lamang umano si Melgar noong Miyerkules kung saan mataas na ang tubig baha at hindi na kayang suungin ng mga trak ng krudo ang kalsada at makapunta sa mga pumping stations.

Dapat sana ay nong Martes pa umorder si Melgar at hindi nangyari ang pagka-antala ng delivery kung saan nagkulang ang  pumping station ng 6,000 litro ng krudo, dagdag pani Tolentino.

Sampung araw na umanong tumatakbo ng walang puknat ang mga pumping station ng maubusan ng krudo subalit hindi ito naagapan ni Melgar.

Si Melgar na nasa MMDA noon pang panahon ni dating chairman Bayani Fernando ay nagpakita ng pagka-relax sa trabaho na naging bunga ng “incompetence,” ayon kay Tolentino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply