Hero’s burial kay Secretary Robredo iginiit

IGINIIT ng isang Catholic prelate na karapat-dapat lamang na mabigyan ng ‘hero’s burial’ ang nasawing si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Ang pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ay kasunod nang pagkakatagpo sa bangkay ni Robredo ngayong umaga sa loob ng eroplanong sinakyan nito noong Sabado pauwi ng Naga City, ngunit minalas na bumagsak sa karagatang sakop ng Masbate.

Sina Cruz at Robredo ay magkatuwang sa pagsugpo ng sugal na jueteng, at may iisang layunin na gawing jueteng-free ang Pilipinas.

Ayon kay Cruz, marapat lamang na mailagak ang bangkay ng kalihim sa tabi ng mga yumaong bayani sa Libingan ng mga Bayani dahil sa magandang serbisyong ipinagkaloob nito sa bansa.

Sinabi ng arsobispo na si Robredo ay maituturing na isang bayani dahil sa pagiging tunay na lingkod ng bayan.

“Secretary Robredo deserves to lie at the Libingan ng mga Bayani. He does not simply belong to Naga City, he belongs to the country,” ayon pa kay Cruz, na una nang nagpahayag ng kalungkutan sa pagkamatay ni Robredo.

Aniya, malaking kawalan sa bansa ang pagpanaw ni Robredo dahil naging matagumpay ito sa adhikain na gawing jueteng-free ang Naga City.

Si Robredo rin aniya ang uri ng politiko na dapat na suportahan ng publiko sa panahon ng eleksiyon dahil sa pagiging credible nito, dedicated at mababang loob.

“I hope the voting public learns the lesson of not voting based on name, wealth and popularity. I hope that eventually, the Filipinos will be wise voters,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply