Higit 50 kabahayan tinupok ng apoy sa Cebu City

TINUPOK ng apoy ang tinatayang mahigit 50 kabahayan sa sunog na naganap sa Barangay Quiot Pardo, Cebu City kaninang madaling araw.

Sa ulat sa radyo, nagsimula ang sunog na umabot sa general alarm pasado alas-2:00 ng madaling araw at naapula pagkatapos ng 18 minuto.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa boarding house na pag-aari ng isang Aquilina Cabalona.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang halos lahat ng bahay.

Nahirapan din ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa maskip at dikit-dikit ang mga bahay.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam pa kung magkano ang pinsala ng sunog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply