Hindi lang inimpits kinasuhan pa

NANG maimpits si ex-Chief Justice Corona, naging katanungan kung sasampahan pa siya ng kaso o hindi na.

Sa hanay ng mga huwes sa impitsmen, may nagsabi na huwag na lang.

‘Yung iba, tumahimik lang.

Ngayon ay nagulat ang marami nang sampahan ng BIR si Corona ng taks ebesyon.

Kasamang sinampahan ng kaso ang isa niyang anak at manugang.

Kulang-kulang sa P200 milyon ang umano’y hindi idineklara ng mga ito na kita at ari-arian sa ilang taon habang nakaupo si Corona bilang Punong Hukom.

Siyempre pa, inasahan na natin ang sagot ni Corona.

Haharapin niya ang kaso.

oOo

May katanungan lang tayo sa pag-usad ng mga kaso. Magkakaroon ba ng pagmamadali ang gobyerno para lang magkaroon ng warrant of arrest ang mga Corona?

Ito kasi ang naganap kina Gloripie at Comelec Chair Ben Abalos.

Sa huli, dahil sa kamamadali, nakalaya nang wala sa oras.

Makalalaya rin ba kaagad sina Corona?

Sa pagmamadali kasi ng pamahalaan, maraming kapalpakan ang nagaganap gaya ng kawalan o kahinaan ng ebidensya.

Binebelat tuloy ang pamahalaan ng mga pinagbibintangan ng korapsyon.

oOo

Isa pang tanong, Suki.

Gaano katagal sa hukuman ang mga kasong tax evasion?

‘Yang tax evasion kasi ni Lucio Tan, eh, deka-dekada ang inabot bago nagkaroon ng desisyon ang korte. Pagkatapos, natalo pa ang gobyerno.

Ang kaso ni Corona, gaano naman kaya katagal ang aabutin niyan, huh?

Baka sa mga pasimula ng kaso, eh, aabot sa panahon na wala na si PNoy sa Malakanyang at nasipa na rin si Kim Henares sa BIR.

Eh karaniwang weder-weder ang takbo ng katarungan,  sa mga buwaya sa pulitika.

Halimbawang makumbik si Corona, baka isang araw lang siya sa kulungan at patatawarin naman agad siya ng bagong bosing sa Malakanyang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply