Hirit ni Tañada: P25-B ilaan sa flood control

HUMIRIT si Deputy Speaker Erin Tanada III na dagdagan ng hanggang P25 bilyon ang pondong dapat na ilaan sa flood control funds.

Posible, aniyang, kapusin pa ang P5.2 bilyong pondo ng Malakanyang  kaya dapat na itaas ito ng hanggang sa P17.5 bilyon sa susunod na taon.

Giit ni Tanada na maaari naman itong gawing P25 billion na hindi natatapyasan ang pondo ng ibang ahensya at hindi nakokompromiso ang P2.0006 trillion 2013 national budget.

Ayon kay Tanada posibleng kunin ang dagdag na P7.5 billion sa unprogrammed fund na na standby na pondo na may P117.6 billion na budget sa susunod na taon.

Isa pa, aniyang, posibleng pagkunan ay ang P22.4 billion Priority Social and Economic Projects Fund (PSEPF) na itinuturing na “holding area” para sa mga proyekto na plano pa lamang ilabas ng mga ahensya.

Maaari rin aniyang kunin sa bagong pasang Sin Tax Law ang dagdag na pondo sa flood control na inaasahang makakakolekta ng P30 billion, para sa proyekto ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply