Holdaper kinuyog ng taumbayan, dedo

PATAY ang isang holdaper nang kuyugin ng taumbayan matapos mambiktima na sinaksak pa sa Malabon City, kagabi (Agosto 17).

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo si Arcris Bolido, 25 ng Desierto Tañong ng lungsod.

Inoobserbahan naman ang biktimang si Renier Jacobe, nasa hustong gulang ng Phase 3, Longos ng lungsod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, naglalakad si Jacobe at ang girlfriend nitong si Jessa sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek sabay tutok sa dalaga ng patalim.

Kinuha ng suspek ang dalawang cellphone ni Jessa subalit nanlaban si Jacobe na naging dahilan upang saksakin ng suspek.

Tinangkang tumakas ng suspek habang nagsisisigaw si Jessa na nakatawag ng pansin sa mga nakatambay. Dahil dito, hinabol ng mga ito ang suspek at nang maabutan ay kinuyog ng palo sa ulo.

Nang matigil ay nakitang duguan at wala ng buhay ang suspek habang dinala naman sa JRMMC ang biktima.

Nabawi naman ang mga cellphone ni Jessa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply