Holdaper na bumoga sa PMA cadet, tinutugis

HINAHANTING na ngayon ng pulisya ang holdper na bumaril sa isang graduating cadet ng Philippine Military Academy (PMA) sa Quezon City.

Nagkapag-asa ang Quezon City Police District-Fairview station nang malaman na pati ang PMA bull ring ng biktimang si Alfonso Aviles, 23-anyos, isang first class cadet ng premyadong akademya at tubong San Jose del Monte sa Bulacan ay tinangay ng suspect.

Sa pamamagitan nito, may posibilidad na matunton o mahuli ng QCPD operatives sa lalong madaling panahon ang holdaper na bumaril kay Aviles.

Dahil ang suspect ay batikang holdaper, siguradong isasalya nito ang alahas para maging pera at sa pamamagitan nito ay baka matalisod ng pulisya ang napagbentahan ng alahas na makakapagturo naman kung kanino nanggaling ang singsing at maglalayong mahuli naman ang suspect.

Hanggang ngayon, nasa kritikal na kondisyon pa rin ang biktima sa Armed Forces of the Philippines Hospital (AFPH), sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa leeg na tumagos sa kanyang mukha.

Sa ulat ng QCPD-Fairviewe police station, nitong nakaraang Sabado lamang ng hapon ay lulan ang biktima sa isang pampasaherong jeep na minamaneho ng isang Rockefellar Bala nang maglabas ng baril ang suspect at magdeklara ng holdap sa kanto ng Regalado at Mindanao Avenues sa Barangay Greater Lagro.

Pero nang kinukulimbat na ng suspect ang alahas ng isa ng babaeng pasahero, tinangkang agawin ni Aviles ang baril ng suspect at habang nagpapambuno ay nakalabit ng suspect ang gatilyo ng baril at tinamaan sa leeg ang biktima at bago tumakas ay inalis sa daliri ni Aviles ang kanyang PMA bull ring.

Si Aviles ang isa sa mga kadeteng naatasan na magsilbing proctors sa PMA entrance examinations nitong nakaraang Linggo sa testing centers sa Metro Manila.

Dinala naman agad ni Bala ang biktima sa Fairview General Hospital at binigyan ng first aid bago ito inilipat sa AFP Hospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply