Holdaper nasakote ng mga tambay

KULONG ang isang holdaper makaraan habulin ng mga tambay nang biktimahin ang promo girl na nakasakay sa isang pampasaherong dyipni sa Malabon City kagabi, Agosto 30.

Nakilala ang suspek na si Roger Tiongson, 37 ng Lapu-Lapu Avenue, Navotas.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, sakay ng dyipni ang biktimang si Vangie Hicarte, 23 at pagsapit sa Pagamutan Lungsod ng
Malabon sa Dagat-dagatan ng lungsod ay sumakay ang suspek.

Hindi pa nakauupo ay naglabas na ng patalim ang suspek at itinutok sa biktima bago kinuha ang Samsung Galaxy cellphone nito.

Mabilis na bumaba at tumakas ang suspek subalit nakahingi ng tulong sa mga tambay ang biktima na naging dahilan upang habulin at madakip ito.

Hindi naman nabawi ang cellphone ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply