Holdaper, timbog sa karatistang bebot

ARESTADO ang isang kilabot na holdaper makaraang palagan ng isang 33 anyos na dalaga habang nililimas ang personal na kagamitan sa loob ng pampasaherong jeep kanina sa Pasay City.

Ang biktima ay kinilalang si Hazel Marie Cainglet, Marketing Officer at residente ng No.43-C Severino Avenue Kilometer 18 West Service Road Paranaque City.

Nagkabukol-bukol ang mukha at nagkasugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang manlaban ang suspek.

Arestado ang maskuladong suspek na kinilalang si Silvestre Delos Reyes, 43 anyos, may asawa ng Brgy.BF Aratelis St.Sucat Paranaque City na nasugatan bunga ng karate chop , suntok at sipa mula sa dalaga.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Leo Valdez, ng Station Investigation Detective Management Section(SIDMS)ng Pasay City Police ang insidente na naganap dakong alas:11:30 ng tanghali ng maispatan ng mga tauhan ni PSINSP Charito G. Estrada hepe ng PCP-1 ang nagaganap na gulo at paghingi ng saklolo ng biktima sa loob ng pampasaherong jeep.

Sinabi ng biktima(Cainglet) na sumakay siya sa  pampasaherong jeep na may rutang Gil Puyat at Baclaran.

Pagsapit sa bahaging u-turn ng Roxas Boulevard agad na pinatigil ng suspek ang jeep kasabay ng pagdedeklara ng holdap habang hawak ang siyam na pulgadang patalim at pilit na kinukuha ng suspek ang bag ng biktima.

Hindi nasiraan ng loob ang biktima at nanlaban sa armadong suspek at biglang sinipa kasabay ang karate chop sa suspek

Ipinagtapat din ng suspek na naging kasabwat niya ang driver ng pampasaherong jeep sa ginawa niyang panghoholdap sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply