Holdaper, todas sa parak

PATAY ang isang hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District na rumesponde sa sumbong ng biktimang 19 anyos na dalaga sa Tondo, Manila.

Namatay noon din ang umano’y holdaper na inilarawan sa edad na 19 hanggang 23 anyos, nasa 5 hanggang 5’3 ang taas ; kayumanggi ang kulay, katamtaman ang pangangatawan,may tattoo na “James” sa kanang balikat at tattoo na puso sa kanang bahagi ng likuran,naka-suot ng maong na pantalon at checkered na polo shirt.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni Det. Milbert Balinggan, may hawak ng kaso, nakatayo ang dalagang si Joy Cortez,19 anyos ng Balagtas St., Tondo, sa Road 10 malapit sa panulukan ng Zaragosa St., sakop ng MPD-Moriones Police Station 2, nang lapitan holdaper na armado ng baril.

Sa salaysay ni Cortez, inakbayan siya saka tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.Sapilitang kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng  P420.00 na cash at isang celfone na Samsung 4DI at ilan pang mahahalagang gamit, saka ito naglakad papalayo.

Batay sa ulat na nakaratng kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section, naganap ang insidente dakong 11:30 ng hatinggabi.

Kasalukuyan naman nagpapatrulya sina PO3 Christopher Jacinto ; PO2 Jessie Leonardo ; PO1 Noel Callevo ; PO1 Cornelio Juanitas at PO1 Ryanell Mendoza, na pawang mga tauhan ni P/Sr. Insp. Roberto Mangune, hepe ng MPD-Delpan Police Community Precinct, nang mamataan ng dalaga at agad itong humingi ng ayuda.

Tinangka ng mga pulis na pasukuin ang suspek sabalit nagpaputok ito ng baril. Gumanti ng putok ang awtoridad na nagresulta sa kamatayan ng nasabing lalaki.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply