Holdaper wasak ang mukha sa taumbayan

BASAG ang mukha at napuno ng pasa ang katawan ng 23-anyos na holdaper makaraang kuyugin at bugbugin ng taong bayan matapos holdapin ang 29-anyos na empleyado sa Pasay City.

Dahil sa mga suntok, sipa at palo sa katawan at mukha halos di na makilala ang suspek na si Mario Roxas, ng No.29 Park Avenue, naturang lungsod.

Desidido namang ipakulong ng bikitimang si Dante Laudit, ng 656 B.Viscarra St. Malibay ang suspek.

Sa imbestigasyon, dakong 12:30 kahapon ng tanghali  nang tutukan siya ng patalim ng suspek  habang bumibili ng yelo sa sa Rotonda, naturang lugar.

Pilit na itinatanggi ng suspek ang panghoholdap pero iginiit ng biktima na tinutukan siya ng balisong sa tagiliran at kinuha ang perang dala-dala.

Ang insidente ay nasaksihan ng taumbayan dahilan para gulpihin ang suspek.

Bukod sa mga sugat sa katawan, ang suspek ay nahaharap sa kasong robbery hold-up.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply