Holdper nakipagbarilan, kritikal

KRITIKAL ang isang holdaper nang makipagbarilan sa hindi pa kilalang suspek makaraan mambiktima ang una sa Caloocan City kagabi, Agosto 23.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan si Tom Jones Sumalbag, 37 ng Rose St., Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, hinoldap ng suspek si Jercito Boncalan, 45, sa Everlasting st., Camarin ng lungsod at kinuha ang cellphone at wallet ng biktima na may laman P1,500 bago tumakas ang suspek.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima na sinamahan nina PO2 Ernesto Albero at PO2 Noel Vitug at habang nag-iikot sa Daisy st., ay naispatan ng biktima ang suspek na naglalakad.

Agad na itinuro sa mga pulis ang suspek at habang bumababa ang dalawang pulis ay nakita ni Sumalbag na naging dahilan upang tumakbo at muling nakatakas.

Makalipas ang ilang sandali ay sunod-sunod na putok ang narinig sa madamong bahagi ng Daisy st., at nang puntuhan ng mga pulis ay nakitang duguan si Sumalbag na naging dahilan upang dalhin sa EAMC.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nakabarilan ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply