Holiday sa Naga City sa Agosto 28 – Palasyo

PORMAL nang idineklara ng Malakanyang na special non-working day, sa darating na Martes, Agosto 28 ang araw ng libing para sa yumaong si DILG Sec. Jesse Robredo.

Base sa Proclamation No. 46, idineklarang  walang pasok sa nasabing petsa sa Naga City dahil nais ng mga taga-lungsod na magbigay ng huling respeto sa kalihim na isasailalim sa cremation.

Inaasahan ang pagbuhos pa ng mga taong makikiramay at makikiisa sa huling araw na makakapiling ang labi ng dating DILG secretary.

Kasalukuyan nang pinaghahandaan na ang seguridad sa buong lungsod para sa nasabing araw.

Sa ulat, sinasabing tatagal umano ng halos tatlong oras ang kabuuang proseso ng cremation para sa labi ng yumaong kalihim.

Sinabi ni Philip Imperial, ang may-ari ng puneraryang magsasagawa ng cremation, isang oras ang mismong cremation process subalit kakailanganin pa ang mahigit dalawang oras para sa pre-heating at cooling period.

Sa kabilang dako, inaayos na rin nila ang paligid ng lugar para naman sa mga Nagueño nais maghatid sa mga labi ng kalihim bago ang proseso.

Samantala, mabiling-mabili naman ang mga Sec. Jesse Rorbedo memorabilia tulad ng key chains, t-shirts at iba pa.

Ito’y sa kabila ng pagkontra ng ilang opisyal ng lungsod dahil sa umano’y pinagkakakitaan pa ang pumanaw na kalihim.

Ngunit  para sa ilang tindera, pagpapakita lamang nila ito ng pakikiramay at pagsaludo sa naging kontribusyon ng dating alkalde sa lungsod at pagbibigay inspirasyon sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply