Hospital bills ng flood victims, sasagutin ng PCSO

AAKUIN ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga gastusin sa ospital ng mga biktima ng baha na dadalhin sa mga ospital ng pamahalaan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, kailangan lamang makipag-ugnayan ang mga biktima at pasyente ng mga ospital ng gobyerno sa opisina ng PCSO kaugnay sa mga dapat bayaran sa ospital.

Inaasahan na umano ng PCSO na dadagsa ang mga kahilingan para sa hospital assistance sa mga panahong gaya nito kaya’t naghanda na ang ahensya upang agarang maipagkaloob ang kanilng serbisyo sa publiko.

Maliban sa paniniguro ng PCSO sa pagsagot sa mga hospital bills ng mga biktima ng kalamidad, namahagi din ng mga relief goods ang ahensya para sa mga biktima ng baha .

Nagpadala ang ahensya ng 100 sako ng bigas ,mga pagkaing de lata , banig sa mga lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon, Pasay , Bacoor Cavite na ilan sa mga nalubog sa walang tigil na pag-ulan simula pa nuong Martes .

Nagbigay din ang PCSO ng 100 sako ng bigas sa ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya program , at mga gamot sa Department of Social Welfare and Development office sa Pasay City para ipamahagi sa mga barangay at health centers .

Ipinagamit din ng PCSO ang mga bus ng ahensya sa Philippine National Red Cross upang magamit sa mga evacuation operations at relief goods distribution sa iba’t-ibang lugar ng Metro Manila.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply