Hospital camp ng BIFM nakubkob ng militar

NAGAWANG makatas ng kilabot na Bangsamoro Islamic Freedom Movement at dating MILF Comamnder Ameril Umbra Kato bago nakubkob ng militar ang kanilang hospital camp kanina sa Hill 260, Datu Hoffer Maguindnao.

Ayon kay Philippine Army 6 Infantry division Chief public Information Officer Col Reynaldo Asto, nakubkob ng kanilang mga tauhan ang itinuturing na hospital camp ng BIFM na fortified ng running trenches at bantay sarado ng snipers na gumagamit ng Baret Sniper Rifle kaya mahirap malapitan kahit ng mga elemento ng special ranger Battalion.

” Yes, its their camp where a hospital is located…nandun nakuha natin yung mga gamot, yung gamot ni  Kato saka yung kanyang wheelchair, dun din nakuha natin,” ani Asto.

Subalit nagawa anilang makatakas ni Kato bago pa nalapitan ng mga tropa ng Philippine Army ang nasabing kampo.

Ayon sa kanilang inside information, sinasabing posibleng inihalo at itinatago na sa mga komunidad ang wanted na BIFM commander.

Nabatid na umaabot na sa limang rebel camp ng BIFM ang nasakop at kontrolado na ngayon ng militar at umaabot na rin sa kulang 60 freedom fighter ng BIFM ang napapaslang ng militar.

Nabatid na nakapaloob sa nasabing kampo na may training ground ang mga lecture room, hospital, mga outpost, running  trenches at iba pa.

Tiniyak naman ng opisyal na kanila nang isusunod na kukunin ang mismong main camp ng BIFM sa kabila ng banta ni Kato na maglulunsad sila ng mas malawak at mas matinding pananalakay ngayong tapos na ang  panahon ng Ramadan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply