Host ng Game ‘N Go ng TV5 dumarami

NADAGDAGAN na naman ng malalaking pangalang artista ang Sunday game show ng TV5, ang Game ‘N Go bilang co-host at performer ng programa.

Kabilang sa makikigulo ay sina JC de Vera, Victor Silayan at Edgar Allan Guzman.

Isinama rin sa barkadahan ang dalawang station talent discovery na sina Eula Caballero at Ritz Azul. Kasama rin ang dating StarStruck discovery na si Arci Munoz.

Pangunahing host ng programa ay sina Joey de Leon, Edu Manzano, Gelli de Bellen, Shalani Soledad-Romulo at Arnell Ignacio.

000

MAS kasabik-sabik ang mga eksenang mapanonood sa Luna Blanca sa mga susunod na mga araw dahil malapit na ring matapos ang mga eksena nina Bea Binene at Barbie Forteza bilang mga teenager na sina Luna at Blanca, respectively.

Hindi akalain nina Luna at Blanca na ang special na lalaking pinag-uusapan nila ay iisa pala.

Sa kanilang pagkikita, nalaman ng kambal na iisa si Aki at Joaquin.

Hindi nagustuhan ni Ani ang paglalapit nina Joaquin, Luna at Blanca, patuloy itong nagbabanta.

Mahahalata ni Luna ang pagkakalapit ni Joaquin kay Blanca pero ipinagtapat pa rin niya kay Blanca ang kanyang pagkaka-gusto kay Joaquin. Kahit may damdamin din kay Joaquin, iniwasan ni Blanca ito para sa kapatid na si Luna.

Pero nagtapat na si Joaquin kay Blanca na liligawan niya ito.

000

MULING kinilala ng National Association for Multi-Ethnicity in Communications o NAMIC ang GMA Network, Inc. (GMA) matapos itong manalo sa anim na kategorya sa prestihiyosong Excellence in Multi-Cultural Marketing Awards.

Ito ang pinakamaraming beses na nagwagi ang international business unit ng GMA sa nasabing kompetisyon kabilang ang dalawang first place awards na nakuha nito para sa kanilang mga mahuhusay na marketing strategies.

Ang mga proyekto ng GMA na nagwagi ng first place ay ang Support Manny Pacquiao online campaign (Digital Category) at ang GMA International magazine na Kapuso Abroad (Grassroots Category).

Ang Support Manny Pacquiao Campaign ay naglikom ng iba’t ibang mensahe mula sa mga Pilipino na ninirahan sa US, Asia Pacific at Middle East para kay Pacquiao bago at matapos ang kaniyang pinakahuling laban kay Juan Manuel Marquez. Nagpadala ang mga Kapuso viewers ng mensahe sa pamamagitan ng YouScoop na ipinilabas sa mga international channel ng GMA.

Ang Kapuso Abroad magazine naman na naglalaman ng mga pinakabagong balita sa mga Kapuso shows at celebrities ay binuo para mismo sa mga Pilipinong naninirahan abroad. Dahil sa lumalaking demand para sa KA ay gumawa na rin ng digital version ng magazine na ito ang GMA International.

Samantala, nagwagi naman ng third place sa Experiential Marketing category ang Eat Bulaga Live in San Francisco na ginanap noong March 30. May halos 6,000 attendees mula sa San Francisco at Northern California ang nakasaksi sa espesyal na pagtatanghal na ito ng number one noontime show sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply