‘Hostile guest’ si PNoy at survey ni Gatchalian

HINDI naman talaga angkop kay “Kabayan” Noli de Castro na magkomento hinggil sa mga anomalya at kapalpakan ng mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan.

Dahil mula sa pagiging senador, anim na taon din siyang naglingkod bilang Bise Presidente ng bansa.

At alam ni Kabayan na hindi naging tapat o malinis ang kanyang tanggapan!

Sa isang banda, may punto si PNoy nang tinuligsa niya ito, nakalimutan nga naman ni Kabayan na isa siya sa mga nagpamana sa sandamakmak na problema na kasalukuyang binabalikat ng ating pamahalaan!

Ang hindi lang natin maunawaan ay kung bakit doon talaga hinambalos ng harap-harapan ni PNoy si Kabayan sa mismong pagtitipon ng ika-25 anibersaryo ng TV patrol.

Bilang Pangulo na dapat ay pasimuno ng kagandahang asal, bagama’t naging tapat si PNoy sa kanyang damdamin habang iniinsulto ng harapan si Kabayan, ay lagpak ang grado niya sa GMRC sa sandaling iyun.

Nakalimutan marahil ni PNoy na kaya siya naroon ay bilang panauhing pandangal sa nasabing okasyon.

In-short, hindi na nga naging marangal ng mga oras na ‘yun ay nagmistula pa siyang “hostile guest” sa okasyon.

Tsk, tsk, tsk, respeto lang!

-o0o-

DAHIL matatapos na ang tatlong termino sa Valenzuela City kaya nangangarap ngayon si Mayor Sherwin Gatchalian na kumandidato bilang senador.

Kaya nga abala na ito sa pagpapa-survey kung may tsansa bang manalo bilang senador sa 2013 elections.

Matulis na sagot ang ating ipinukol sa nagtanong kung iboboto ko raw ba bilang senador si Sherwin Gatchalian.

Kung ‘yun ngang sandamakmak na VK (Video Karera) ni Rey Recto na naglipana sa Valenzuela ay hindi kayang ipatigil dahil sanggang-dikit umano niot, tapos may gana pang mangarap na maging senador? Malaki ba talaga ang ipinangakong campaign fund ni RR sa iyo Mayor Gatchalian?

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply