Human smuggling sa NAIA ibinulgar ng OFW

IBINULGAR ng isang overseas Filipino worker na mayroon umanong sindikato na sangkot sa human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang pagsulpot umano ng sindikato ay kinumpirma nang magbalik sa bansa ng OFW na naaresto sa Lebanon.

Inilahad ng isang OFW na kinilalang si Jenelyn Villafuerte, na inutusan siya ng kanyang recruiter na magpunta sa parking area ng NAIA at isang lalaki ang sumundo sa kanya.

Sa pahayag ng OFW, ipinasok sila ng naturang lalaki sa tarmak area at nangatok sa mga boarding gate hanggang mahanap ang itinalagang gate para sa kanila.

Malaki ang hinala ng OFW na mayroong mga kasabwat na opisyal sa NAIA ang recruiter para makalabas ng bansa ang mga biktima ng human smuggling.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply