Husgado sa Metro Manila, walang pasok

LAHAT ng husgado o korte sa Metro Manila ay walang pasok sa araw na ito.

Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio walang pasok ang mga empleyado sa Korte Suprema at lahat ng lower courts sa Metro Manila.

Ang kanselasyon ngayong araw  sa judiciary ay pinadala ni Atty Gleoresty Guerra, acting chief ng Public Information Office ng Korte Suprema sa pamamagitan ng text message ganap na alas-6:30 ngayong umaga araw ng Miyerkules

Nakasaad  sa text message  na sinususpinde ni Justice Carpio ang trabaho  sa SC at mga mabababang korte sa Metro Manila kasali na rin dito ang Court of Appeals (CA), Sandiganbayan at maging ang  Court of Tax Appeals  o CTA.

Pangunahing dahilan ang patuloy na masamang panahon at  pagdanas pa rin ng baha sa maraming lugar sa National Capital Region.

Ayon pa kay Atty. Guerra, ipinauubaya na lamang ng pansamantalang punong mahistrado sa  mga executive judge sa mga korte sa labas ng NCR ang pagkansela o pagpasok sa kanilang trabaho kahapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply