Hustisya sa mga pinaslang na lider maralita, iginiit

MULING iginiit ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa gubyernong Aquino ang hustisya para sa mga pinaslang na lider-maralita.

Ito ang pahayag ng Kadamay matapos umabot sa isang daan ang bilang ng lider-maralita at mga kasapi ng mga maralitang organisasyon ang napapatay sa higit dalawang taon ng kasalukuyang administrasyon.

Si Marilou Valle, lider ng Kadamay sa Tondo, Lungsod ng Maynila ang ika-isang daang biktima ng pamamaslang sa kanilang hanay.

Sa isang press conference kahapon, nagpahayag din ng panghihinayang ang Kadamay sa maagang pagkamatay ni dating Department of Interior and Local Government secretary Jesse M. Robredo.

Ayon sa Kadamay, bukas si Robredo sa mga dayalogo, maging sa kanilang pahayag na relocation site ang mga maralita sa loob ng mga lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply