Huwag bigyan ng badyet ang CARPER – grupo

NANAWAGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP na huwag bigyan ng kahit piso bilang badyet ang Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms o CARPER.

Ito ang panawagan ng KMP habang pinag-uusapan ngayon sa Kamara de Representante ang P21 bilyon badyet ng Kagawaran ng Repormang Agraryo.

Paliwanag ni Willy Marbella, pangkalahatang kahilim ng KMP, ginagawang palagatasan lamang ng mga panginoong maylupa ang badyet sa Carper.

Panggagalingan din umano ng katiwalian ng mga opisyal ng gubyerno ang higit labing-apat na bilyong pisong badyet para sa Carper.

Kaugnay nito, nagdaos ng isang piket-protesta ang KMP at Anakpawis Party sa Batasan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply