ICC color-coding scheme

SIMULA sa Lunes, Agosto 6, magkakaroon na ng mala-color coding scheme sa pagkuha ng Import Commodity Clearance (ICC) sticker para sa mga helmet ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na aking nakapanayam noong Martes sa programang Inside Motoring sa DZRJ 810 khz. Ibig sabihin, ang pagpunta mo sa DTI ay base sa ending number ng iyong plaka. Lunes: 1-2, Martes: 3-4, Miyerkules: 5-6, Huwebes: 7-8, Biyernes: 9-0.

Ngayon, ang tanong ng marami ay paano kung ‘di ka naman nagmamay-ari ng isang motorsiklo? May helmet ka lang dahil permanente kang nakikiangkas sa iyong kapamilya, kaopisina, kaklase, etc.

Ang suhestiyon ko po ay samahan niyo ang may-ari ng motorsiklong inaangkasan niyo at sumabay na lang sa pagkuha ng ICC sticker. Doon naman sa mga may motorsiklo pero nakapangalan sa kompanya ay humingi na lamang ng letter of authorization sa inyong opisina o immediate superior na patunay na kayo ang assignee ng naturang motorsiklo. At paano naman yung mga bagong bili na wala pang plaka? Talaga naman ang gobyerno kasi hindi na naman pinag-isipan itong prosesong ito!

May dalawang DTI venues po na nadagdag para sa mga kukuha ng ICC sticker:

– Rizal Memorial Stadium sa Malate, Manila
– Araneta Square Mall sa Caloocan

Aking nabalitaan na ang mga big bike clubs ay sang-ayon sa color-coding scheme na ipatutupad sa Lunes. Subalit mayroong ibang bike clubs tulad ng Mad Dog na gustong magkaroon ng sariling venue kung saan sil-sila lang mga big biker ang pupunta. Asus! Hindi lang kayo ang mga pinagpala. Pumatas naman kayo. Pumila rin kayo. Kapag nasa ibang bansa e ayaw niyo ng diskriminasyon tapos dito sa sarili nating lupa e kapwa Pilipino ang ginaganyan ninyo. Kayong mga mas may kakayanang tumulong sa gobyerno ang siyang mga pabigat. Tsk tsk. Karamihan diyan nakapag-aral pa sa mga magagandang paaralan. Naman!

*****

May isang bagong kompanya na nagbebenta ng motorsiklo na ‘di umano’y kulang daw o hindi nagbayad ng tamang buwis kaya naman napakamura ng kanilang benta ng isang high-end brand ng scooter. Hindi kaya ito’y isang paninira lamang? Hindi naman sa lahat ng panahon e pag mura ang pagbenta ay hindi na nagbayad ng buwis. Pero ayon sa isang nakabili dito ay 60 hanggang 90 araw daw ang kanyang hihintayin bago makuha ang rehistro. Iyan ang sabi sa kanya ng kanyang napagbilhang kompanya. Ganun ba katagal ang paglabas ng plaka at papel? Hindi ah. Ang tanong, sino ang may problema yung kompanya o LTO na naman?

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM.
Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply