IGLAP NG KATAKSILAN (Ikalawang labas)

“Uuuy ha ha ha tenkyu Gardo haw swit naman.” Tugon nito kasabay ang halakhak na nagpalitaw sa buo nitong mga ngipin.

Nasabi ko nga sa loob ko, “ Paano kaya nabingwit ni Aga ang maganda nitong asawa?” A siguro dapat niya itong pagsuutin ng helmet at baka minsang mauntog e matauhan sakaling makita si Aga.

Tuloy pa sana kami sa huntahan pero dumating na si Aga. Me dala na rin itong ihaw-ihaw na mga lamanloob at ulu-ulo ng manok. Kinuha ni Rowena ang dala ng asawa at siya na raw ang aasikaso at mag-aahin.

Inayos naman namin ni Aga ang mesita at upuan para sa pag-inom. Habang nagkukuwentuhan ay iniluhog na ni Rowena ang  aming pagsasaluhang magkaibigan.

“Wena saluhan mo na rin kami para makilala mo ng lubos ang aking mortal na kaibigan.” Malugod na sabi ni Aga sa asawa. “ Pre pinapayagan mo palang uminom ang esmi mo? “ usisa ko. “Oo pre tutal e, marunong din namang magkontrol yan sa sarili. Kung malagihay na e, kusa nang titigil sa pag-inom. “ katwiran ni Aga.

“O sige sasalo ako sa inuman pero maliligo muna ako para makundisyon.” pasintabi ng asawa.

Inumpisahan na namin ni Aga ang pag-inom habang naliligo si Rowena sa kanilang maliit na banyo. Nakakailang round na kami sa kani-kanyang baso nang lumabas sa banyo ang kanyang asawa.

Halos sabay at pareho kaming bumiling kay Rowena ngunit hindi pareho ang aming reaksiyon. Kay Aga ay parang wala lang, pero sa akin hindi. Anupa’t ang itim ng aking mata ay nawala ang pagkakadikit sa aking pilikmata dahil sa pagkakamulagat.

At bakit nga hindi e nakatapis lang ito ng tuwalya at nakatakip nga sa dibdib pero halos aabot na sa laylayan ng bulbol ang pinakababa ng nakataping tuwalya. Nagawa pa nitong dumapo sumandali sa aming mesa ni Aga at payukong  pumitas ng aming pulutan.

At sa kanyang pagyuko ay ‘di naiwasan ang pagpatak ng tubig mula sa basang buhok nito at sakto pa nga sa aking baso ng alak.

“Ano ba ‘yan Rowena tumulo na ang buhok mo sa iniinom ni Gardo a.”

“ Ups sori Gardo ha, pahiyang lang naman.” Pasubali nito kay Aga. Sinabihan ako ni Agapito na palitan na lamang ang aking iniinom subalit “ Wag na “ ikako at sayang naman.
Pero wag ka at ang totoo. “ At least kahit kaunting sabaw lang ay nakatikim ako galing sa iyong asawang seksi.” Nasabi ko sa sarili. Kunwa mang hindi ko tinitingnan ang kanyang asawa ay lihim naman ang nakaw ng tingin ng pupilo sa sulok ng aking pilikmata.

Nagsasalita si Aga pero hindi nito pansin ang lihim na pagmonitor ng aking  diwa sa ikinikilos ng asawa. Napansin ko rin ang pagharap nito sa salaming may kalakihan na nakakabit sa kahoy na dingding.

Nakatalikod man ito ay huli ko ang kabuuan ng kanyang repleksyon  mula sa  aking kinauupuan. At doon di’y hinatak nito ang sliding curtain na nagsisilbing tabing kung magbibihis. Tipsy na o ika nga ay malagihay na ang tama ko noon pero napansin ko,,, nginitian ako ni Rowena bago tuluyang magsara ang kurtina. Hindi ko binigyan ng kahulugan ang ginawi nito kanina.

“ Pitong my dir pakiabot nga pala sa akin ang aking panty.” “ Grrr ano ka ba, kung kelan me bisita e.” angil ni Aga habang nakatingin sa akin. Nakuha ni Aga ang sinasabi ni Rowena kaya ito nga ay lumapit na sa tabing. Nagbukas ang babae ng kaunting awang sa kurtina para kunin ang panty nito. At nagbalik mesa na si Aga para saluhan ako. Ngunit sa pagbaling ng aking mukha sa kurtina ay tumambad sa akin ang nakaawang pang kurtina.
Gayundin ang babae na nakatitig pa mandin sa akin. Nakatapi pa ito ng tuwalya ay nagyukod na ito para isuot ang panty. Habang pasuksok ang mga paa sa panty ay nakatitig ito sa akin at ito ay bagay na hindi namamalayan ng aking kaibigan dahil magkaharap kami.

Ngayon nga, hindi ko man ganap na nakikita ay naroon ang kabog sa aking dibdib dala ng namumuong kalibugan. Lalo akong napamulagat, “ H-ha?! “ nausal ko. Muling nagderetso ng tayo si Rowena ngunit iniwan ang salawal na nakakapit sa tuhod nito. At habang nakatingin sa akin ay walang abug-abog na inalis nito ang tapis na tuwalya. Doon na tuluyang nagpapasag ang dalag sa pagitan ng aking hita. At paano ngang hindi ay nakita ko na ang lubos na kahubdan ni Rowena. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply