IGLAP NG KATAKSILAN (Ikatatlong labas)

WALA na talaga akong nawarian noon maging ang sinasabi ni Aga sa akin.

Natapos ang gayon at ngayon nga ay kasalo na namin si Rowena. Ah napakabango nito at kaayaaya ang suot na lampas tuhod na duster.

Napansin ko ang pagiging malambing ni Rowena sa asawa pero ano’t kakaiba ang titig nito sa akin. Nakasalo nga namin si Rowena at maging ito ay tinamaan na rin ngunit magkaminsan ay pinagpa”pass’ ito ni Aga.

“Masama kasing malasing ito kaibigan. Nagrerekwes ng dyug hik ha ha ha.” pakalog ni Aga.

Na noon ay lasing na. Pasuray man ay tumayo si Aga t nagyayang makita ko ang paligid.

Ipinagmalaki niya ang sakop ng nabili niyang lote. Nasabi ko, dapat nga niyang ipagmalaki dahil kaayaya ang kanyang lugar dahil para itong nasa lalawigan. Nasabi ko nga sa kanya na balang araw ay magiging magkapitbahay kami.

Sa gitna ng aming huntahan sa labas ng kanilang bahay ay may ‘di pagkakaunawaang naganap nang dala marahil sa espiritu ng alak ay napamali marahil ako ng dinig sa usapan at halakhakan ng ilang kalalakihan doon.

Dahil dito ay nadawit na rin si Aga at dahil higit siyang lasing kaysa amin ni Rowena ay umarya ang kakulitan nito. Humanga ako sa katapatan ni Aga bilang kaibigan sa akin.

Alam niya kung paano ako kampihan. Ngunit  naliwanagan ako sa pangyayari at hindi naman pala talaga ako o kami ang pinapatungkulan ng kanilang kapitbahay.

Magkagayunman ay tuloy pa rin si Aga sa kakulitan. Ako na rin ang humingi ng dispensa sa kanilang mga kapitbahay na madali rin naming pakiusapan. Kaya nga itong si Rowena, “Hoy Pitong tumigil ka na nga hane.”

“O syige syige tayo na sa loob bespren hik, tuhloy ang hinuman natin.” Pabulol na sang-ayon ni Aga. Sa loob ng bahay nangyaring uminom pa rin kami ni Aga.

Nalasing ng todo si Aga kabaligtaran sa akin na nagkontrol talaga ako ng inom dahil, “ Pre ano maihahatid mo pa ba ‘ko niyan? “ urot ko sa kaibigan. “ Ohoh hik.” “ Ulul, sa lagay mong ‘yan. “ kontra ng asawa nito. Sinabi kong hiramin ko na lang ang owner jeep ni Aga.

“Huwwag kah na kaya uwwi pare,, ditto ka nna tulog.” Pilit na pawisyo ni Aga. Nagpilit akong umuwi ngunit napagpasyahan nilang doon na nga ako magpalipas ng gabi.

“Bespren hwag kah na uwi…baka ano pa mangyari sa’yo hik. “ sabi ni Aga na sinang-ayunan ko na rin. Sabay-sabay kaming natulog ng gabing iyon at dahil isang silid lang ang kabuuan ng bahay ay tabi-tabi na rin kami sa pagtulog.

Nasa gitna ang aking kaibigan na noo’y tila nahihibang sa kalasingan at nagsasalisalita pa.

Doon ay umiral ang pagkakalog ni Rowena at niloloko si Aga. “ Hoy bangon muna at magkape. “ “ Ayoko na, si Gardoh hang tanungin mo. “ pilit tugon ni Aga.

“ Sabay na lang tayo magkape pre.” Mungkahi ko. Ngunit ayaw bumangon ni Aga at bagay na inayawan ni Wena dahil minsan daw ay nasusuka ito sa mismong higaan.

“ O sige kung ayaw mo kami na lang ni Gardo. Bahala ka , ampogi kaya niya no. “ pakalog ni Wena sabay ang pagkaway at ngiti sa akin. “ Oo nga, bahala ka.” Pasakay tugon ko naman sa asawa. “ Khuu huwwag nyo na nga akkkho istirin hik.” Pilit sagot ni Aga.

Napamulagat si Rowena sabay ang sulyap sa akin. “ Ayaw mong maniwala sige, magkakape kami at papatsansing ako. “ “ Hik kow ‘wag nyo na hakong lohkohhin, sanay na ko sa araw-araw  na panloloko sa akin.” Grogi na talaga si Aga at pansin ito sa pagtugon. “ Ayaw mong maniwala sige magpapahipo ako kay Gardo. “ pabirong banta ni Rowena. “Kalog talaga ito. “ nasabi ko nga sa sarili. “ Ayaw mong maniwala ha, sige nga Gardo hawakan mo’ko.” Bilang pasakay ay inihawak ko kunwa ang kamay sa tiyan ng babae. Saglit na nagmulat si Aga at pangiting sabi…

“ Ikaw nammman pre pasakay ka pahh dyan tulog ka na ngah rin.” Sa itsura ng mata ni Aga ay tantiya kong hindi na nga nito kaya pa. Ngunit makulit si Wena. “ Ayaw mo talagang maniwala ha, sige ako naman ang hihipo kay Gardo.” Napapitlag ako sa ginawa ni Rowena.

Walang abog na kinapa nito ang aking kargada. “ Hayun, kinapa ko na. Ikaw naman ang kumapa sa akin Gardo. “ tila paakit na utos ni Wena. Saglit akong nag-isip, “ Gagawin ko ba?

“ Ngunit…“

“Sige na Gardo gawin mo.” Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply