IGLAP NG KATAKSILAN (Unang labas)

Mangyari lamang na ako ay tawagin n’yo sa pangalan bilang si Lutgardo Agustin. Isa akong engineer at nais magbahagi ng aking sexcapade sa ‘di mabilang na tagatangkilik ng inyong online site.

Nangyari ang aking karanasan nang kami ni Agapito ay magkitang muli ng di inaasahan at would you believe na ito ay magmula pa ng kami ay nasa elementary pa lamang.

Ako ang unang nakapasok sa aming  kompanya  bilang staff engineer at  nagulat na lamang ako ng isang araw ay makita ko siya roon at siya pa pala ngayon ang aming company driver.

Tigas ng kamustahan namin at halos ay magkayakapan sa tindi ng excitement  na nadarama, biro mo nga naman  that after a decade ay magkikita pa kami ng  aking long lost childhood best friend.

Isang dahilan kaya ko ginustong maging kaibigan si Aga ay ang ugali nitong mainisin nga pero madali namang utuin kaya nga dahil dito ay palagi siyang binibiro ng aming mga kaklase.

Nang magkita nga kami matapos ang mahabang panahon ay nalaman kong taglay pa rin nito ang gayong kahinaan at nalaman ko ring higit pa ang ganoon sa kanya kung nalalasing.

Noon nga minsan at natatandaan ko pa halos ang aming usapan ng minsan kaming nag-inuman.

“Hik, ang aarte ng mga GRO dito, ni hindi ka man lang makahipo.”

Iskandalo ni Agapito. ‘ Hoy Pitong pre, konting lamig.” Awat ko sa nagwawala nang kaibigan. “Hindi pre aba e kedami nang ladies’ drink ang nainom nito e ni hindi man lang magpakapa. Pwede ba yon?“ apela pa rin nito.

Naayos ko rin naman ang lahat na nauwi pa nga sa tawanan dahil sabi ko nga, madali rin namang utuin itong si Aga at madaling makontrol.

Minsan ay nagyaya si Aga sa kanilang lugar isa itong reclamation area sa gawing Antipolo at dahil nangangarap din naman akong magkaroon ng sariling tirahan dahil ako’y nangungupahan din ay sumama ako.

Hindi ko na dinala ang  aking sasakyan dahil mayroon din namang sariling sasakyan si Pitong at ito ay isang owner type jeep.

Narating namin ang lugar ni Aga at ito pala ay sa bulubundukin at luntiang bahagi ng bundok.

May ilan ilan na ring mga bahay dito at mga tao sa labas. Pumasok kami sa kanilang bahay na noon ay yari sa light materials at marahil ay nagsisimula pa lamang sila ay wala pa itong silid. Sa bahay ay naroon na rin ang tulugan at sala. Hiwalay nga lamang ang palikuran o toilet.

“O ano preng Gardo, maganda ba dito sa amin? “ tanong ni Aga. “ Oo pare at sa palagay ko e mawiwili ako dito . “ agad kong sagot. Sa aming pag-uusap habang nakatayo ay siya namang dating ng kanyang asawa.

Ipinakilala niya ito sa akin. Hindi ko napigilan ang paghanga kay Rowena ang asawa ni Aga. Mas mababa sa akin si Aga at kung di ako nagkakamali ay kasingtangkad ko ang maganda nitong misis. Medyo kalog si Rowena at anlakas ng dating. Nag-anyaya ng kaunting inuman para sa amin si Aga na pinaunlakan ko naman.

Si Pitong na rin ang bumili ng maiinom at pulutan sa tindahan kaya nakapag-usap pa kami ng kanyang asawa pasumandali. Nalaman kong sila pala ay nakakailang buwan pa lang dito sa Antipolo at ang inalisan nilang lugar ay sa Caloocan.

“Maayos ang bahay na iniwan namin sa Caloocan. Ibinenta namin ang bahay dahil sa selos nitong asawa ko…“ si Rowena.

“Bakit me pruweba ba naman sa tsismis? “ pabiro kong usisa kay Rowena. “ Hoy hindi naman no? “ nakangiting irap ng asawa ni Aga. “ Oo sige naniniwala naman ako e, sa itsura mo ba namang ‘yan. Disente kang tingnan at kung ako man ay maigagalang kita.” pakunwari kong sabi. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply