‘Igme’ dumistansya na sa bansa, ‘Julian’ pa-Japan na

NASA West Phillippine Sea na ang Tropical Storm Igme (Tembin) at palayo na sa bansa, habang ang Typhoon Julian (Bolaven) na kahit bahagyang lumakas ay patungo na sa Japan, ayon sa ulat kaninang umaga (Agosto 25) ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority PAGASA.

Sa kanilang 11 a.m. advisory, sinabi ng PAGASA na ang bagyong Igme ay nasa layong 380 kilometers (km) Hilaga-Kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay ni Igme ang maximum sustained winds na 100 km per hour (ph) malapit sa sentro at pagbugso na aabot sa 130 kph.

Kumukilos itong pa-Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 7 kph at inaasahan na nasa 550 km Kanluran Hilaga-Kanluran ng Basco, Batanes sa Lingggo ng umaga.

Sa kabilang dako, sinabi ng PAGASA na bahagyang lumakas pa ang bagyong Julian pero kumikilos ito patungong southern Islands ng Japan.

Pasado alas 10 a.m., tinataya itong nasa 930 km Silangan-Hilagaa-Silangan ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds na 160 kph malapit sa sentro at pagbugo na 195 kph.

Kumikilos ito pa Hilaga-Kanluran sa bilis na 850 km Hilaga-Silangan ng Basco, Batanes at nasa labas ng ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng umaga.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na paiigitingin pa rin ang bagyong Igme at  Julian ang southwest monsoon o hanging Habagat lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.

Hindi pa rin inaalis ng Pagasa ang posiblidad na muling bumalik ang bagyong Igme sa teritoryo ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply