Igme palabas na; bagong bagyo papasok bukas

UNTI-UNTI nang papalabas ng bansa ang bagyong Igme ngunit nananatili pa rin sa signal number one ang Batanes group of islands.

Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometro bawat oras at may pagbugsong hangin na aabot sa 170 kilometro bawat oras.

Patungo ang direksyon ni Igme sa  kanluran hilagang kanluran sa bilis na pitong kilometro bawat oras at inaasahang bukas ng umaga ay tatama ito sa kalupaan ng Taiwan.

Natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 310 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Kasalukuyan namang unti-unting nang humuhupa ang epekto ng bagyo sa parte ng Luzon.

Habang papalabas si Igme, bukas ng hapon ay posibleng pumasok na sa  Philippine area of responsibility ang bagyong may international name na Bolaven.

Sa pinakahuling ulat kaninang umaga,  natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 1,600 kilometro sa silangan ng extreme Northern Luzon.

Inaasahan na magdudulot ng mga pag-ulan sa bahagi ng bansa ang naturang bagyo sa mga susunod na araw dahil sa pag-iibayuhing hanging Habagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply