Ika-1,000 araw ng Maguindanao massacre, gugunitain bukas

MAGBI-VIGIL ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) bukas ng alas-4:00 ng hapon sa bantayog ng mga bayani at tatagal ito ng hanggang alas-9:00 ng Lunes ng umaga.

Ang vigil ay upang gunitain ang ika-1,000 araw ng Maguindanao massacre at alay para sa mahigit sa 50 katao na namatay sa naganap na karumadumal na pagpaslang noong Nov. 23, 2009.

Inaasahang lalahok sa vigil ang mga journalist at mga kaanak ng mga biktima.

Sasabayan ito sa General Santos ng press conference ng pamilya ng mga biktima kasunod ng misa at motorcade.

Nakiusap naman ang Malakanyang sa publiko na maging mapagpasensya sa pagdinig sa usapin ng masaker makaraang umani ng pagbatikos sa mabagal na usad ng kaso.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ginagawa ng Executive Department ang lahat para mapabilis ang kaso pero wala umanong silang magawa kundi sundin ang nararapat na pamamaraan na naaayon sa panuntunan ng batas.

“We are doing our part in the prosecution. May sinusundan tayong rules of procedure sa paglitis ng kaso. Hindi lang ito ang kasong mabagal ang usad. Maraming kasong nakabinbin na ang tagal hindi umuusad,” pahayag ni Valte.

Sa talaan umabot sa 58 katao ang napatay sa masaker na tinagurian ring “Ampatuan town massacre,” 32 dito ang mga mamamahayag.

Umabot na sa tatlong taon mula nang maganap ang insidente pero hindi lahat ng akusado ay binasahan ng kaso, habang ang iba sa kanila ay hindi pa nadarakip.

Sinabi ni Valte, ang pamahalaan ay hindi nagpapabaya at patuloy na binabantayan ang progreso sa kinalabasan ng usapin tuwing dinidinig ang kaso. makaraang umani ng pagbatikos sa mabagal na usad ng kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply