Ika-116th anibersaryo ng Pugad Lawin, ipinagdiwang sa QC

PINANGUNAHAN ng pamahalaang lungsod Quezon ang selebrasyon sa  ika 116th na anibersaryo ng sigaw sa Pugad Lawin sa pamamagitan ng motorcade mula sa monumento ni Andres Bonifacio sa Balintawak hanggang doon sa  Pugad Lawin Shrine sa Bahay Toro, Quezon City.

Nanguna sa paggunita sina Quezon City mayor Herbert M. Bautista at QC Congressman Bingbong Crisologo, kasama si Senator Antonio Trillanes IV bilang guest of honor at speaker, na nag-alay ng bulaklak sa monumento ng Pugad Lawin .

Kasama ring nagbigay pugay si Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Superintendent Mario O Dela Vega bilang pag-alala sa mga ninuno sa pangunguna noon ni Andres Bonifacio,kung saan doon sa Pugad lawin unang pinunit ng mga katipunero ang kanilang mga sedula may 116 na taon na ang nakalilipas bilang pagkondena sa pagmamalupit ng mga Kastila at dito isinagawa ang unang sigaw ng rebolusyon ng .Pilipinas laban sa Espanya na sinakop ang bansa ng mahigit 300 taon.

Nagsilbing alalay ang mga QCPD mobile patrol cars para sa seguridad sa ginanap na motorcade kasama ang ibang units ng QCPD galing sa Police Stations 1 at 3, ang District Public Safety Battalion at Traffic Enforcement Unit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply