2nd anniversary ng Quirino hostage-taking ginunita ng VACC

NAG-ALAY ng bulaklak at panalangin ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Quirino Grandsltand sa Luneta, Manila para sa paggunita ng ikalawang taong anibersaryo ng madugong hostage-taking noong 2010 sa nasabing lugar.

Bukod dito, ipinagtirik din ng kandila ng grupo ang walong namatay sa nasabing hostage-taking.

Noong August 23, 2012, hinostage ni Chief Senior Inspector Rolando Mendoza, na natanggal sa trabaho ang isang tourist bus na kinalululanan ng 25 pasahero na binubuo ng 20 turista at isang tour guide mula sa Hong Kong at apat na Filipino.

Tumagal ng ilang oras ang negosasyon sa pagitan ng mga rumespondeng pulis at sa hostage-taker hanggang sa nauwi sa pagbubuwis ng buhay ng walong turista at pagkakapatay din kay Rolando.

Nakasuhan naman ang kapatid ni Rolando na si Gregorio Mendoza na isa ring miyembro ng Philippine National Police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply